top of page
Search

CKN-CSG General Plan of Action

  • Writer: CvSU Kilos Na!
    CvSU Kilos Na!
  • Oct 16, 2020
  • 2 min read

Updated: Oct 16, 2020

CvSU Mangahas, CvSU Kilos Na!

CKN General Platform of Government 2020


1. CvSU Kilos Na para sa Demokratikong Kalayaan ng mga Estudyante sa Pamumuno

2. CvSU Kilos Na para sa Ligtas Balik-Eskwela at Paglaban sa COVID-19 Pandemic

3. CvSU Kilos Na para sa libre at de-kalidad na edukasyon


4. CvSU Kilos Na para sa Pagtataguyod ng Karapatan at Kapakanan ng mga Estudyante


5. CvSU Kilos Na para sa Gender and Development, Equality, Women Empowerment at LGBTQIA+ rights


6. CvSU Kilos Na para sa maka-estudyante at makataong konseho


7. CvSU Kilos Na para sa Kalikasan at Komyunidad


8. CvSU Kilos Na para sa Epektibong Information Dissemination


9. CvSU Kilos Na para sa Pangkahusayang Akademiko


ANO ANG CvSU KILOS NA?

Ang CvSU Kilos Na (CKN) ay ang pinakamalawak na Partido-alyansa ng mga mag-aaral at organisasyon sa Cavite State University na may pangunahing layunin na ipaglaban ang karapatan ng lahat para sa libre, dekalidad, makamasa, at siyentipikong edukasyon. Itinataguyod din ng CKN ang mahusay at kolektibong pamumuno nito sa Student Councils.


Itinatag noong September 2013 bilang CvSU Kilos Na Laban sa Budget Cuts at Pork Barrel, at hanggang ngayon ay patuloy ang hangarin ng CKN na paglingkuran ang mga Cvsueño sa pamamagitan ng paglahok sa CSG at SC elections mula 2014 bitbit ang mga isyu ng mga ordinaryong estudyante tulad ng pag-amyenda sa hair and uniform policy at maayos na proseso ng enrolment. Kung kaya’t ngayon sama-sama tayong muli, CvSU mangahas, CvSU Kilos Na!

BAKIT KAILANGANG IBOTO ANG CvSU KILOS NA?

Ang Central Student Government (CSG) ay dapat ipinaglalaban ang karapatan ng mga ordinaryong estudyante at maging isang tunay na kinatawan nila sa administrasyon ng CvSU. Malaki ang pangangailangan para sa lider na tunay, Makabayan, at maka-estudyante na magpapatupad ng mga polisiya at proyektong mararamdaman ng mga ordinaryong mag-aaral at makatutulong sa pagpapaunlad ng Pamantasan at bayan. Kailangang suportahan at iboto ang CKN upang ipagtagumpay ang patuloy nating laban para sa karapatan sa edukasyon. Itatag ang CSG na magpapanday sa husay, paglilingkod at katapatan tungo sa isang ligtas, abot-kaya at demokratikong Pamantasan!


 
 
 

Comments


©2020 by CvSU Kilos Na!. Proudly created with Wix.com

bottom of page